nakagapos na mga kamay at paa
nakatakip na mga mata at labi
nakakulong na puso at isipan
nakapiit sa kulungan na likha ng mga pagkakataon
nakatanaw sa mga rehas na gawa ng mga hinanakit
nais magpumiglas
sumigaw, humiyaw
itaas ang mga kamay sa langit
magalit sa mundo
magwala, magamok
ilabas ang lahat ng sama ng loob
manumbat
manakit, mangalipusta
iparamdam ang hinanakit na nadarama
tumakas
magtago, magkunwari
lumipad palayo sa lahat ng ito
Saturday, September 02, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
I miss you, dear.
And i'm missing you too... it's just not the same noh? :(
Post a Comment